2 July 2025
Calbayog City
National

Mga manggagawa, dapat isinama sa plano bago ikinasa ang 2 taong EDSA Rehab, ayon sa Labor Group

IGINIIT ng grupong Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) na hindi dapat plinano nang nakabukod, ang rebuilding ng EDSA, na kilala bilang Main Commuter Thoroughfare sa Metro Manila.

Ayon sa Labor Group, lahat ng apektadong stakeholders, lalo na ang mga mangagawa at estudyante na namamasahe sa Metro Manila, ay isinama dapat sa maingat na pagpa-plano bago simulan ang konstruksyon.

Sinabi ni SENTRO Secretary General Joshua Mata, na higit pa sa isa o dalawang hakbang ang kailangan para masolusyunan ang inaasahang pagsisikip ng trapiko at kabawasan ng pagiging produktibo.

Aminado ang grupo na kailangan na talagang isailalim sa rehabilitasyon ang EDSA, dahil long overdue na, subalit ang kanilang tanong ay bakit walang paliwanag at social preparation?

Una nang ipinanukala ng Department of Transportation ang tatlong Mitigation Strategies na kinabibilangan ng libreng toll sa Skyway sa bahagi ng EDSA, karagdagang bus units sa Carousel, at Odd-Even Scheme.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.