MAGPAPATUPAD ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng Power Interruption sa susunod na linggo.
Sa advisory na inilabas ng Samelco Uno, mapuputol ang supply ng kuryente sa June 7, araw ng Sabado, simula ala singko ng umaga hanggang ala sais ng gabi.
ALSO READ:
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Dahil ito sa pag-aayos ng mga depektibong transmission lines.
Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang Capoocan Substation at Palanas Cara Substation, kabilang ang mga barangay sa kahabaan ng Capoocan, Tinambacan District Barangays at Oquendo District Barangays.
Samantala, nagtakda rin ang Samelco Uno ng Temporary Power Interruption sa Carayman Substation sa loob ng tatlong oras, mula ala sais hanggang alas nueve ng umaga.
