HINIMOK ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang national government na humingi ng second opinion hinggil sa structural condition ng San Juanico Bridge.
Kasunod ito ng desisyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpatupad ng 3-ton weight limit sa limampu’t dalawang taong gulang na tulay.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Naniniwala si Romualdez na pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paghingi ng hiwalay na assessment mula sa Independent Experts ay kailangan bago gumawa ng anumang pang-matagalang desisyon na makasasagabal sa galaw at negosyo sa rehiyon.
Una nang tinaya ng isang business group sa Eastern Visayas na posibleng umabot sa 600 million pesos ang maaring mawala sa ekonomiya sa loob ng isang taon bunsod ng limitadong trapiko sa tulay na mahalaga sa Leyte at Samar, sa pagbibiyahe ng mga produkto at mga tao.
