KUMUHA ng abogado si Lotlot De Leon upang ipagtanggol ang kanyang Right to Privacy at protektahan ang dignidad ng kanyang yumaong ina na si Nora Aunor, laban sa mga naninira sa reputasyon ng kanilang pamilya.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng aktres ang official statement ng kanyang abogado mula sa Estur & Associates Law Firm.
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
Nanawagan si Atty. Mark Julius Estur sa publiko at sa media na igalang ang Right to Privacy ng kanyang kliyente, na bagaman public figure, ay entitled pa rin sa personal boundaries.
Ipinaliwanag ng abogado na bilang panganay na anak ni Nora ay karapatan ni Lotlot na protektahan ang dignidad ng kanyang ina at reputasyon ng kanilang pamilya.
Bagaman hindi dinetalye ang eksaktong uri ng pag-atake, binigyang diin ng legal counsel ng aktres na hindi nila kinukunsinti ang Cyberbullying, Defamation o anumang Invasion of Privacy.
