HINDI bababa sa apat katao ang nasugatan sa karambola na kinasangkutan ng limang sasakyan sa Bayombong Nueva Vizcaya.
Nangyari ang aksidente, alas otso y medya ng umaga, kahapon, na nagdulot ng pagsisikip ng trapiko sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa Barangay San Nicolas.
Sa inisyal na pagsisiyasat, isang pick-up truck at isa pang sasakyan na patungong Maynila ang sumalpok sa isa pang truck at isa pang sasakyan mula sa kasalungat na direksyon.
Isang tricycle din ang nadamay sa naturang aksidente.
Dinala ang mga nasugatan sa ospital upang malapatan ng lunas habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.