14 November 2025
Calbayog City
Metro

Lolang masahista, pinatay sa sakal saka itinapon sa tambakan ng basura, sa Quezon City

PATAY ang isang lolang masahista matapos umanong sakalin ng lalaking may tatlong naunang Homicide Charges sa Quezon City.

Nagtungo ang animnapu’t limang taong gulang na biktima sa isang residential compound, hatinggabi ng May 13, matapos kunin ng suspek ang serbisyo nito para magmasahe.

Gayunman, makalipas ang ilang sandali ay nakita sa CCTV footage ang suspek na nasa labas ng compound habang nagtutulak ng kariton na may nakalagay na garbage bags.

Nang bumalik ang lalaki sa compound ay wala nang laman ang kariton.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).