DUMATING na sa Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa 46th ASEAN Summit and related Summits.
Pasado ala singko kahapon nang lumapag ang sinakyang eroplano ng pangulo at kanyang delegasyon sa Bunga Raya VIP Complex ng Kuala Lumpur International Airport.
Kasama ni Pangulong Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos, gayundin sina Presidential Communications Secretary Jay Ruiz, Trade and Industry Secretary Christina Aldeguer-Roque, at Mindanao Development Authority Head Tereso Magno.
Habang wala sa bansa ang pangulo, magsisilbing caretakers sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.