17 November 2025
Calbayog City
Local

Mahigit 100 paaralan sa Eastern Visayas, nakiisa sa Reading Aid Program ng DSWD

ISANDAAN tatlumpu’t dalawang paaralan sa Eastern Visayas ang nagpapatupad ng Expanded Tara, Basa! Tutoring Program, upang tulungan ang mga batang hirap bumasa, gayundin ang college students kapalit ng kanilang tutorial services.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula sa kabuuang bilang, 84 na eskwelahan ay matatagpuan sa Samar, 32 sa Tacloban City, at 16 sa Ormoc City.

Pinakikinabangan ang naturang programa ng 1,512 college students; 5,040 learners; at 5,040 na mga magulang.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).