SINIMULAN na ng Atin Ito Coalition ang paglalayag para sa ikatlong Civilian Mission sa West Philippine Sea.
Sa Facebook post, sinabi ng volunteers na umalis sila ng Maynila, kahapon, lulan ng M/V KAPITAN FELIX OCA patungong El Nido, Palawan.
ALSO READ:
Goitia: Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas
DILG chief, inatasan ang mga pulis na magsuot ng body camera sa paghahanap kay Atong Ang
Zaldy Co, nagtatago sa gated community sa Portugal, ayon sa DILG
Subpoena laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, nakaumang na, ayon sa DOJ
Kaparehong barko ang gagamitin para sa Civilian Mission patungong West Philippine Sea, pagdating nila sa Palawan ngayong Lunes.
Magsasagawa muna ng Pre-departure Musical Event sa El Nido bago muling maglayag patungo sa bisinidad ng Pag-asa Island kung saan gaganapin ang “Sea Concert.”
December 2023 nang makumpleto ng grupo ang unang Supply Mission, kung saan isa sa kanilang mga bangka ang nakalusot sa mga nakaharang na barko ng China, patungong Lawak Island.
