POSIBLENG itaas pa sa mga susunod na buwan ang kasalukuyang Load Limits sa San Juanico Bridge, sa gitna ng isinasagawang rehabilitasyon sa mahigit dalawang kilometrong tulay.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, kapag natapos na ang retrofitting sa ilang segments ay maari nilang itaas ng kaunti ang Load Limits sa San Juanico Bridge.
Eastern Visayas, target i-update ang SDG Catch-up Plan
Supersonics Taekwondo Athlete Roivy Cabrillas, nasungkit ang gintong medalya sa nagpapatuloy na EVRAA 2026 sa Baybay City
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Sa ngayon aniya ay ipinagbabawal ang pagdaan ng mga sasakyan na may bigat na tatlong tonelada sa kinukumpuning tulay.
Sinabi ni Bonoan na ang pagtaas ng Load Limits ay posibleng ipatupad na huling quarter ng kasalukuyang taon.
Sa kalaunan naman aniya ay papayagang makadaan ang karamihan ng mga sasakyan sa San Juanico Bridge maliban sa mga mayroong mabibigat na mga karga.
