INAMIN ni Parokya Ni Edgar Vocalist Chito Miranda na tumira siya sa police station habang nakakulong ang kanyang misis na si Neri Naig sa Pasay City Jail.
Sa isang panayam, sinabi ni Chito na ang kaso ni Neri ang pinakamalaking hamon na dumating sa kanilang buhay.
Aniya, hindi niya iniwan ang kanyang misis, bagaman may bahagi na hindi siya pinayagan na makasama si Neri ay nasa labas lamang siya ng police station.
Idinagdag ng bokalista na hindi siya umuwi sa kanilang bahay ng dalawang linggo, hangga’t hindi sila magkasama ni Neri.
Sa ngayon aniya ay nasa healing process pa ang kanyang asawa, subalit nakare-recover na mula sa trauma.
Magugunitang inaresto ang aktres dahil sa 14 counts ng umano’y paglabag sa Securities Regulation Code, at Syndicated Estafa noong nakaraang Nobyembre.