PATAY sa pamamaril ng mga naka-motorsiklong lalaki ang isang barangay kagawad, sa Tanza, Cavite.
Kinilala ng Calabarzon Police ang biktima na si Christopher Aron, kwarenta’y otso anyos, incumbent councilor ng Barangay Bagtas.
Batay sa CCTV footage, lulan ng minamanehong Toyota Innova si Aron nang paulanan ito ng bala ng mga salarin.
Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kanyang ikinamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, gayundin ang motibo sa krimen.