NAPANALUNAN ng nag-iisang Lotto better ang mahigit P331 million na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nakuha ng bettor ang winning number combination na 30 29 42 28 2 at 43.
Kabuuang p331,359,271 na jackpot prize ang napanalunan ng bettor.
Ayon sa PCSO, ang winning ticket ay binili sa isang Lotto outlet sa Kalentong, Mandaluyong City.