13 October 2025
Calbayog City
National

P20 per kilo na bigas, sisimulang ibenta sa Mindanao sa Hulyo

IPATUTUPAD ang ikalawang bugso ng bente pesos na kada kilo ng bigas simula sa Hulyo sa Mindanao.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na, gaya ng kanilang binanggit noon, ang kanilang rating ay batay sa poverty incidence.

Kaya naman aniya ang uunahin nila sa phase two ng programa ay Zamboanga Del Norte na may poverty incidence na 37.7 percent.

Sunod ang Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao Del Sur, Maguindanao Del Norte, at Davao Oriental.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).