LUMOBO ng 2.6% ang pondong ipinadala ng mga Pilipino sa ibang bansa noong Marso dahil sa tumaas na inflows mula sa land-and-sea-based workers sa naturang buwan.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels ay naitala sa 2.810 billion dollars noong ikatlong buwan.
ALSO READ:
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad
Mas mataas ito ng 2.6% kumpara sa 2.738 billion dollars noong March 2024 at 2.716 billion dollars noong February 2025.
Bunsod nito, umakyat ng 2.7 percent o sa 8.444 billion dollars ang cash remittances sa simula Enero hanggang Marso mula sa 8.219 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
