OFF-limits sa mabibigat na sasakyan ang San Juanico Bridge sa loob ng halos dalawang taon habang hinihintay na makumpleto ang 900-Million Peso Total Rehabilitation Project, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni DPWH Eastern Visayas Assistant Regional Director Ma. Margarita Junia, na kailangan ng major rehabilitation para pagtibayin ang structural integrity ng tulay na itinayo noong August 1969 at nakumpleto noong 1973.
Idinagdag ni Junia na kung maibibigay ang buong pondo para sa retrofitting ng 42 spans ng San Juanico Bridge, aabutin ng halos dalawang taon bago nila payagan ang lahat ng uri ng sasakyan na makadaan sa tulay.
Nakatakdang magsasagawa ang Eastern Visayas Regional Development Council ng special meeting sa Lunes para i-endorso ang panukalang pondo para maisama sa 2026 budget.