KABUUANG labintatlo katao ang nasawi sa 49 Validated Election-Related Incidents simula nang mag-umpisa ang election period noong Jan. 12 para sa halalan 2025.
Sa update mula sa PNP, apat sa mga nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), tatlo sa Zamboanga Peninsula, at dalawa sa Cagayan Valley.
Mayroon ding tig-iisang nasawi sa Ilocos Region, Central Luzon, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa mga naturang kaso, sinabi ng PNP na tatlong suspek lamang ang nadakip habang apatnapu’t apat ang nananatiling at large.
Bukod sa Validated Cases, umakyat ang Election-Related Incidents sa walumpu’t anim na isinasailalim ngayon sa imbestigasyon. Inihayag din ng PNP na kabuuang dalawampu’t pitong insidente ang naiulat sa mismong araw ng halalan noong Lunes.