SA Instagram ibinuhos ng aktor na si Khalil Ramos ang kanyang panlulumo bunsod ng kanyang pagkakamali sa proseso ng pagboto.
Sa kanyang IG Story, ibinahagi ng young actor ang kanyang karanasan sa pagboto, kasabay ng paalala sa kanyang mga kapwa botante.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sinabi ni Khalil na nadiinan niya ang pag-shade sa front page kaya tumagos ang ink sa likuran kung saan nakalagay ang mga kandidato sa party-list.
Dahil dito, hindi nabilang ang kanyang ibinotong party-list bunsod ng overvoting.
