MAKALIPAS ang mahigit isang dekadang konstruksyon, target ng National Housing Authority (NHA) na makumpleto ang lahat ng housing projects para sa mga survivor ng super typhoon Yolanda sa December 2025.
Sinabi ni NHA Eastern Visayas Regional Director Constancio Antiniero, na kung walang magiging delays sa terminations of contracts ngayong taon ay tiyak na matatapos ang lahat ng proyekto sa Disyembre.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Nangyayari ang termination kapag inabandona ng developer ang proyekto, na nagdudulot ng pagkaantala sa proseso dahil kailangang humanap ang NHA ng bagong developer na magpapatuloy sa project.
Binigyang diin din ni Antiniero na ang bilis ng pagkumpleto sa proyekto ay nakadepende sa availability ng pondo.
