INAASAHANG magpapatuloy sa pagbaba ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ngayong Mayo, ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP)
Sinabi ni Isidro Cacho Jr., pinuno ng Corporate Strategy and Communications ng IEMOP, na sapat ang power supply kaya posibleng bumaba pa ang presyo ng kuryente ngayong buwan.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Idinagdag ni Cacho na sa harap ng nalalapit na midterm elections ay magpapatuloy ang stable spot prices, at maging hanggang sa matapos ang halalan.
Noong Abril ay bumaba ang average WESM price system-wide ng 15.3% kumpara noong Marso, o sa 4 pesos ang 52 centavos per kilowatt-hour dahil sa pagtaas ng supply.
