MAHIGIT walong milyong pisong halaga ng hindi nabayarang land amortizations ang binura para sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Samar.
Kasunod ito ng dalawang araw na sabayang pamamahagi ng Certificate of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) ng Department of Agrarian reform.
Inaward ng DAR Eastern Visayas ang 690 COCROMS at 100 Certificates of Land Ownership Award (CLOAS) na sumasaklaw sa 728.35 hectares ng agricultural land sa ARBs sa mga lungsod ng Catbalogan at Calbayog, at sa labing anim na munisipalidad sa Samar.
Ang sabayang pamamahagi ay pinangunahan nina DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO II) Segundino Pagliawan sa mga munisipalidad ng Basey, Marabut, Pinabacdao, Sta. Rita, at Villareal;
Land Tenure Improvement Division Chief Lucena Mancol sa Gandara, San Jorge, Sta. Margarita, at Tarangnan;
At PARPO I Josefina Amande sa Jiabong, Daram, Zumarraga, Hinabangan, San Sebastian, Motiong, Paranas, at Catbalogan City.