TUMANGGAP ng malaking suporta kamakailan ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na vendors sa mga munisipalidad ng Hernani at San Policarpo, Eastern Samar, mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng kanilang Integrated Livelihood Program.
Ayon kay Michael Lombendencio, Livelihood Specialist sa DOLE Eastern Samar Field Office, kabuuang 87 beneficiaries sa Hernani ang pinagkalooban ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng 1.9 million pesos.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, fish vendors, at self-employed individuals na nag-o-operate ng maliliit na tindahan.
Ang mga proyekto ay mula sa pagbibigay ng fishing engines para sa mga may-ari ng bangka na walang makina hanggang sa pagkakaloob ng retailing packages para sa micro-entrepreneurs.
