Sumaludo si TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa mga solo parents sa ginanap na pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Araw ni LaguNanay noong Marso 10, 2025 sa San Pedro, Laguna.
“Hangang-hanga po ako at napakalaki po ng aking respeto sa mga solo parents natin dahil ang trabaho ng dalawa [magulang] ay ginagampanan ng isa [solo parent] para lang makapag provide sa kanilang mga anak,” pagsaludo ni Chavez.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Pinuri ng TRABAHO ang LaguNanay, isang programang sinimulan ni Congresswoman Ann Matibag, dahil isa itong napakagandang halimbawa upang maipakita ang kakayahan at kahalagahan ng mga kababaihan lalo na ngayong National Women’s Month.
“Bukod po sa sapat na sahod at karagdang benepisyo, sisiguraduhin po ng TRABAHO Partylist, bilang #106 sa balota, na may patas na oportunidad ang mga kababaihan, lalo na ang mga SOLO PARENTS at PWDs [persons with disability], sa kanilang mga trabaho, ” pagpapaliwanag ni Chavez.
Kamakailan, humiling ang TRABAHO partylist ng suporta mula sa publiko upang maisulong ang mga repormang pang-legislative na magtatanggol sa karapatan ng kababaihan, magtitiyak ng patas na patakaran sa paggawa, at lilikha ng mas pantay at makatarungang lipunan para sa lahat.
“Wala po dapat napag-iiwanan, lalung-lalo na ang mga kababaihan,” pagdidiin ng babaeng nominee sa kanyang mga kapwa kababaihan.
Maliban kay LaguNanay founder at San Pedro, Laguna Representative Matibag, dumalo rin sa pagdiriwang sina Senator Francis “Tol” Tolentino at Congresswoman Lani Mercado-Revilla.