24 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist isusulong ang regular na sahod para sa mga pampasaherong driver

Nag-ulat ang Overseas Labor Market Forum ng pagkakataon para sa mga Filipino drivers na makapagtrabaho sa Japan at Europa sa susunod na apat hanggang limang taon, kung saan inaasahang kakailanganin ng Japan ang mahigit 24,000 taxi drivers at 4,000 train drivers, na may buwanang sahod mula P58,000 hanggang P65,000.

Dahil dito, nanawagan ang TRABAHO Partylist para sa makatarungang sahod at regular na employment status para sa mga pampasaherong drivers sa Pilipinas, upang hindi na kailanganin pang mangibang-bansa ang mga ito upang makahanap ng mas maginhawang kabuhayan.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, mahalagang mapabuti ang kondisyon ng trabaho ng mga pampasaherong driver sa bansa upang makasabay sa mga international standards at upang hindi na mapilitan ang mga driver ng jeep at bus na iwanan ang mga pamilya at mangibang bansa.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nauna nang nagsulong ng regular na employment status para sa mga jeepney drivers na magpapatuloy sa ilalim ng jeepney modernization program, na may nakatakdang sahod at mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).