Ibinunyag ni Teresa Loyzaga na siya ang nagpasok sa kanyang anak na si Diego sa rehabilitation center dahil sa paggamit nito ng iligal na droga.
Sa Monday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi ng aktres ang kanyang relasyon sa anak, kabilang na ang desisyon niyang ipasok ito sa rehab facility.
Sinisi rin ni Teresa ang sarili sa nangyari kay Diego na nagalit sa kanyang ginawa.
Gayunman, nang maka-recover na aniya si Diego ay naintindihan na siya nito kung bakit kinailangan nitong ipasok sa rehab.
Sa loob din aniya ng walong buwan na nasa facility ang anak ay palihim niya itong dinadalaw.
Si Diego ay anak ni Teresa kay Cesar Montano.
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
