Suspendido ang number coding scheme ngayong Miyerkules, kasabay ng pagdiriwang ng ika-isandaan dalawampu’t anim na araw ng kalayaan ng bansa.
Sa Facebook advisory, hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na lumahok sa iba’t ibang aktibidad sa Quirino Grandstand at Rizal Park sa Maynila.
Pinayuhan naman ang mga motorista na planuhin ng maaga ang kanilang mga biyahe.
Una nang nag-anunsyo ang MMDA ng road closures para sa mga gagawing pagdiriwang ngayong Independence Day.
Samantala, may libreng sakay ang mga tren sa Metro Manila sa mga piling oras ngayong araw.
Sa magkakahiwalay na abiso, nakasaad na magpapatupad ang MRT-3, LRT-1 at LRT-2 ng libreng sakay ngayong Miyerkules simula ala syete hanggang alas nueve ng umaga at simula ala singko ng hapon hanggang ala syete ng gabi.
Ayon sa mga pamunuan ng Metro Railway Services, ang kanilang hakbang ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 126th Philippine Independence Day.