12 July 2025
Calbayog City
National

Foreign investors, walang dapat ikabahala sa kabila ng tensyong politikal kasunod ng pag-aresto kay FPRRD


WALANG dahilan para mabahala ang mga investor sa kabila ng political tensions, kasunod ng pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court (ICC).

Inihayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary, Atty. Claire Castro, na pinahahalagahan ng foreign investors ang isang bansa at lider na tumatalima sa rule of law.

Pinawi rin ni Castro ang mga pangamba na posibleng mahadlangan ng ICC case ang mga foreign investor.

Ito aniya ay dahil, hindi sinusuportahan ng mga mamumuhunan ang mga lider na nagkakanlong ng mga indibiwal na sangkot sa mga krimen, gaya ng Crimes Against Humanity, lalo na ang murder.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.