NAGPATUPAD ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng shellfish ban sa labing isang lugar sa Eastern Visayas.
Sa advisory, sinabi ng BFAR na na-detect ang red tide sa seawater samples na nakolekta sa Cancabato Bay sa Tacloban City, maging sa coastal waters ng Guiuan, Easter Samar; Calbayog City, Samar; at Matarinao Bay sa mga bayan ng General Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.
Una nang inihayag ng BFAR na pitong katubigan sa lalawigan ng Leyte, Samar, Eastern Samar, at Biliran, ang kontaminado ng red tide toxins, batay sa isinagawang shellfish meat sampling.
Bunsod nito, mahigpit na pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta, at pagkain ng anumang uri ng shellfish, gaya ng tahong, talaba, at alamang, sa mga nabanggit na lugar.