16 January 2026
Calbayog City
Local

Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte

AABOT sa 2.99 million pesos na halaga ng livelihood assistance ang ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office sa Eastern Visayas sa pitong Women’s Association sa Liloan, Southern Leyte.

Kabuuang isandaan at labing isang kababaihan ang nakinabang sa ayuda na ipinatupad sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Liloan.

Ang livelihood assistance ay bahagi ng proyekto na tinawag na “Liloan Women in Action: A Women’s Association Empowerment and Livelihood Initiative.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).