13 November 2025
Calbayog City
Overseas

9 katao, patay sa pagputok ng Laki-Laki Volcano sa Indonesia

HINDI bababa sa siyam na katao ang nasawi sa pagputok ng Mount Lewotobi Laki-Laki sa Indonesia, na naglabas ng lava, dahilan para ipag-utos ng mga awtoridad ang paglikas sa iba’t ibang kalapit na lugar.

Ayon kay Hadi Wijaya, tagapagsalita ng The Center of Volcanology and Geological Hazard Mitigation, pumutok ang mount Lewotobi Laki-Laki, sa Flores Island sa East Nussa Tenggara Province, at nagbuga ng nag-ngangalit na kulay pulang column ng lava, volcanic ash, at mga nagbabagang bato.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).