19 December 2025
Calbayog City
National

September 3, idineklara bilang National Day of Mourning sa pagpanaw ng Manlilikha ng Bayan na si Federico Caballero

national day of mourning

Naglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdedeklara ngayong araw ng  Martes, Setyembre 3, 2024, bilang National Day of Mourning o Pambansang Araw ng Pagluluksa dahil sa pagpanaw ng Manlilikha ng Bayan na si Federico Caballero.

Batay sa Proclamation No. 678 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binanggit na ang pagpanaw ni Caballero ay isang malaking kawalan sa ating bansa, at nararapat lamang na kilalanin ang kanyang natatanging dedikasyon sa pagpapanatili ng pamana at sining ng Panay Bukidnon sa Iloilo.

Dahil dito, sa bisa ng proklamasyon ni PBBM, ang watawat ng Pilipinas ay naka-half mast mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito sa lahat ng gusali at pasilidad ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa ngayong araw, Setyembre 3, 2024.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.