5 July 2025
Calbayog City
National

Malakanyang, tinawag na “one-man fake-news factory” si dating Pangulong Duterte

TINAWAG ng malakanyang si Dating Pangulong Duterte na “One-Man Fake-News Factory” matapos akusahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na lumilihis sa diktadura.

Sa rally sa Cebu noong sabado, binalaan ni Duterte sa publiko na plano ni Marcos na pigilin ang 2028 presidential elections upang manatili ito sa kapangyarihan, gaya ng ama nito na si Ferdinand Marcos Sr. Na nagdeklara ng martial law noong 1972.

Sa statement, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang naturang hoax ay panibagong budol na pinalulutang ng One-Man Fake-News Factory.

Idinagdag ni Bersamin na itinuturing ng palasyo ang walang basehan at katawa-tawang pahayag ng dating Pangulo, kagaya ng pagbalewala ng mga pilipino sa kwento ng taong mahilig magsinungaling.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).