KINUMPISKA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga iligal na sigarilyo na may tinatayang tax deficiency na mahigit 516.795 million pesos sa isang operasyon sa Valenzuela City.
Nag-ugat ang operasyon sa verified information na ipinaabot ng Department of the Interior Government sa BIR, dahilan para agad ipag-utos ni Commissioner Charlito Martin Mendoza ang paglalabas ng mission orders para sa field verification at enforcement.
Tinungo ng mga operatiba mula sa BIR Region 5 ang iniulat na lokasyon sa Valenzuela City kung saan natagpuan ang kabuuang 1,274 master cases ng illicit cigarettes.
Ang sinamsam na items ay hindi umano sumunod sa mandatory internal revenue stamp requirement sa ilalim ng tax code, na nakasaad sa Non-Payment of Excise Taxes.




