CAR-FREE na tuwing linggo ng umaga ang kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City.
Ang 2.3-kilometer closed area sa Ayala Avenue ay mula sa Courtyard Drive patungong H.V. Dela Costa Street.
Ang westbound lanes patungong sen. Gil Puyat Avenue at eastbound lanes patungong EDSA ay sarado, gayundin ang portions ng Makati Avnue at Paseo de Roxas na bahagi ng Ayala Triangle Gardens.
Ito ay para bigyang daan ang fitness loop kung saan maaring maglakad ang publiko, magbisikleta, tumakbo, ipasyal ang kanilang mga alaga, o mag-roller skating.
Ipatutupad ang road closure tuwing linggo, simula ala sais hanggang alas diyes ng umaga.