Ilang araw bago ang pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC), inanunsyo na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bubuo sa senatorial slate ng administrasyon.
Sa Oct. 1, 2024 pormal na magsisimula ang paghahain ng COC para sa mga kakandidato sa 2025 National and Local Elections.
Ang “Magic 12” senatorial bets ng administrasyon ay bubuuin ng mga sumusunond:
- DILG Secretary Benhur Abalos
- Makati Mayor Abby Binay
- Senator Pia Cayetano
- Senator Imee Marcos
- Senator Francis Tolentino
- Former Senator Manny Pacquiao
- Senator Lito Lapid
- Senator Bong Revilla
- Congressman Erwin Tulfo
- Congresswoman Camille Villar
- Former Senator Ping Lacson
- Former Senator Tito Sotto
Ginawa ng pangulo ang annunsyo sa idinaos na ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ Convention 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Ang ‘Alyansa’ ay binubuo ng limang political parties na kinabibilangan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP) at National Unity Party (NUP).