SINIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 Regional ang Program Implementation Review (RPIR) para sa Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) sa lalawigan ng Samar.
Tatagal ng tatlong araw ang pagpapatupad ng program review.
Present sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Department of Education (DepEd), Provincial Government ng Samar, Northwest Samar State University, at Samar State University.
Layon ng aktibidad na suriin ang pilot implementation ng Tara, Basa! Tutoring Program sa rehiyon para sa isasagawang expansion nito sa susunod na taon.
Ayon kay Clarito T. Logronio, Assistant Regional Director for Administration ng DSWD Eastern Visayas, naging matagumpay ang programa sa rehiyon dahil sa mga nagsilbing student-tutors at Youth Development Workers (YDWS).
Sa kabuuan ay umabot sa 1,981 learners, 1977 parents, at 375 college students sa Samar ang nakinabang sa programa.