DALAWA katao ang nasawi habang apat ang nasugatan sa landslides sa Biri, Northern Samar, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng.
Ayon sa PNP Regional Office, wala ng buhay nang matagpuan kahapon ng rescuers ang katawan ng dalawang indibidwal na unang napaulat na nawawala matapos ang landslide sa Barangay Sto. Nino noong linggo.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Positibong kinilala ng kanilang mga kaanak ang mga biktima na sina Federico Sabangan Sr., pitumpu’t anim na taong gulang at Federico Sabangan Jr., tatlumpu’t siyam na taong gulang.
Samantala, apat pang residente sa naturang barangay ang nagtamo rin ng injuries bunsod ng landslides.
