PUMANAW na ang Award-Winning US Actress na si Gena Rowlands, na mas nakilala sa mga pelikula ng kanyang first husband na si Director John Cassavetes, sa edad na 94.
Ayon sa US entertainment publication na TMZ, binawian ng buhay si Rowlands sa kanyang bahay sa Indian Wells, California.
ALSO READ:
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
Walang inilabas na official cause of death ng veteran actress, subalit una nang isiniwalat ng kanyang anak na si Nick Cassavetes noong Hunyo na limang taon nang may Alzheimer’s Disease si Gena.
Si Nick ang Director ng pelikulang “The Notebook” na pinagbidahan nina Ryan Gosling at Rachel Mcadams noong 2004.
