AMINADO si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nasorpresa siya sa ulat na nagpunta ng Sweden si dating Congressman Zaldy Co.
Una kasing sinabi ni Remulla na si Co ay nananatili sa loob ng isang gated community sa Lisbon, Portugal.
ALSO READ:
Pero ayon kay Remulla, kahit gated community, madali aniyang tumakas sa lugar na iyon kung magtatago sa kotse.
Maliban dito, borderless aniya ang mga European Union countries kaya madali para kay Co ang makabiyahe-biyahe.
Sinabi ni Remulla na kung sakaling totoo ang ulat at verified ang apostille ni Co, maaaring bumiyahe ang dating kongresista “by land” papuntang Stockholm.
Maaari aniyang gamit ang pribadong sasakyan o kaya ay sumakay ng tren.




