INANUNSYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglulunsad ito ng malawakang paglilinis sa mga estero sa Metro Manila sa Nov. 12 upang mabawasan ang mga pagbaha.
Naglaan ang DPWH ng 2.14 billion pesos mula sa kanilang Unused Budget para pondohan ang operasyon.
Isasagawa ang naturang hakbang sa tulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Local Government Units, at Private Companies, na nangakong magpo-provide ng Heavy Equipment at iba pang suporta.
Sinabi ni DPWH Secretary Dizon na hindi na ito bago at matagal na itong ginagawa ng mga LGU at MMDA, subalit nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing Full Force ang paglilinis sa mga estero.
Idinagdag ni Dizon na Target ng Cleanup Operations ang pag-aalis sa 4 million cubic meters ng mga basura at burak mula sa mga dinadaluyan ng tubig.




