NATAPOS na ng Philippine Air Force ang Retrieval sa mga labi ng anim na aircrew members ng Super Huey helicopter na bumagsak sa Agusan Del Sur.
Ayon sa Air Force naisakatuparan ang Retrieval Operations sa pakikipagtulungan sa Philippine Navy at Lokal na Pamahalaan ng Loreto.
ALSO READ:
Lalaki, patay matapos atakihin ng buwaya sa Palawan
Mahigit 1.8 million pesos na halaga ng iligal na mantika, nakumpiska sa Oriental Mindoro
5 pulis na sangkot sa pagnanakaw ng 14 million pesos na cash sa Porac, Pampanga, sinibak sa pwesto
PNP chief, ipinag-utos ang imbestigasyon sa pagpaslang sa broadcaster-councilor sa Surigao Del Sur
Nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response Mission ang anim sakay ng chopper nang mangyari ang aksidente.
Sinabi ng Air Force na patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy kung ano ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang Air Force sa pamilya at mahal sa buhay ng anim na nasawi.
