EPEKTIBO na sa Oct. 30 ang dagdag-sahod para sa mga Minimum Wage Earners sa Central Luzon.
Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – Central Luzon sa pagbibigay ng dagdag sahod na hahatiin sa dalawang Tranche.
ALSO READ:
Ayon sa Wage Board, ang Minimum Wage sa rehiyon ay maglalaro na sa P515 hanggang P600 kapag naipatupad na ang Two-Tranches ng dagdag-sahod.
Ang halaga ng dagdag sahod ay depende sa probinsya.
Samantala, itinaas na din sa P6,500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay o Domestic workers sa rehiyon mula sa kasalukuyang P6,000.