ITINURNOVER ng pamahalaan ang 797-megawatt Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plant Complex sa Aboitiz-Led Thunder Consortium.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa seremonya sa pasilidad sa bayan ng Kalayaan sa Laguna.
Ipinaliwanag ni Marcos na mahalagang ma-turnover ang complex sa private sector, na maaaring magpabuti sa mga pasilidad at mabawasan ang gastos ng gobyerno.
Sinabi ng pangulo na sa naturang privatization na nakumpleto sa pamamagitan ng successful bid na mahigit 36.27 billion pesos, magagamit ng pamahalaan ang pondo sa social services.




