NAKASINGIL na ng mahigit 93.6 million pesos ang pamahalaang lungsod ng Maynila mula sa mga contractors ng Flood Control Projects na may pagkakautang na bayaring buwis.
Sa Update mula sa Manila City Treasurer’s Office, hanggang hapon ng Huwebes, September 11, 2025 umabot na sa mahigit 93,600,000 ang na kolektang bayad sa buwis mula sa mga Flood Control Contracts sa Maynila.
Mayroon namang mahigit 127,200,000 million pesos pa ang pa din nababayaran.
Una nang ibinunyag ni Manila Mayor “Isko” Moreno Domagoso na aabot sa 247 million pesos ang utang sa buwis ng mga contractor ng Flood Control Projects sa lungsod.
Inatasan ng alkalde ang mga contractor na bayaran ang Unpaid Taxes dahil kung hindi ay isasailalim sila sa Blacklist at hindi na papayagang makakuha ng City Permits.




