Mayorya ng mga Pilipino ang sang-ayon na dapat harapin ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang mga reklamo laban sa kanya sa Senate Impeachent Court.
Ito ang resulta na ginawa ng Tangere kung saan 73% ng mga Pilipino ang nagsabing dapat sumalang sa impeachment proceedings ang Pangalawang Pangulo.
22% ng mga tinanong hindi sang-ayon habang nasa 27% ang Undecided.
Ginawa ang survey mula February 10 hanggang February 12 na may 2,400 respondents sa buong bansa.
Si Duterte ay nahaharap sa pitong reklamo matapos aprubahan ng mahigit 200 na mga Kongresista ang impeachment complaint kabilang dito ang ginawa niyang pagbabanta na patayin sina Pang. Bongbong Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Bukod sa pagbabanta, nahaharap din siya sa iligal na paggamit ng confidential at intelligence fund noong siya pa ang Kalihim ng Department of Education kung saan 53% ng mga respondent ang nagsabing dapat siyang kasuhan.
51% din ng mga respondent ang pabor na silipin ang hindi pgkakatugma ng SALN ng Bise Presidente habang 33% lang sa mga ito ang tutol.