3 July 2025
Calbayog City
National

Senator Imee Marcos, tuluyan nang kumalas sa alyansa 

IDINEKLARA ni Senador Imee Marcos na tuluyan na siyang kumalas sa alyansa para sa Bagong Pilipinas. 

Sa kanyang media statement, binatikos ni Marcos ang patuloy na paninindigan ng administrasyon sa ginawang pag-aresto kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng senador na ang hayagang pagtatakip sa katotohanan ay lalo lamang nagpalakas ng hinala na maaaring nalabag ang saligang batas at nabawasan ang soberanya sa pagdakip sa dating pangulo.

Idinagdag ni Marcos na ilalahad niya sa mga susunod na araw ang mga pauna niyang natuklasan kung saan malinaw na may mga hakbang na ginawa ang administrasyon na salungat sa kanyang  mga paninindigan at prinsipyo. 

Dahil dito, inamin ng mambabatas na hindi niya magagawang mangampanya at tumuntong sa iisang entablado kasama ang iba pang kasapi ng alyansa. 

Naninidgan din si Marcos na patuloy na magiging independent candidate dahil higit aniya sa anumang pulitikal na pakinabang, dapat manaig ang soberanya ng bansa at ang tunay na katarungan para sa bawat Pilipino.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).