27 March 2025
Calbayog City
Local

7 proyekto na ipinanukala ng iba’t ibang LGUs, inaprubahan ng Eastern Visayas Council

eastern visayas lgu

Inaprubahan ng Eastern Visayas Regional Development Council (RDC) ang pitong proyektong ipinanukala ng iba’t ibang Local Government Units para pondohan sa ilalim ng Energy Regulations (ER) No. 1-94 ng Department of Energy (DOE).

Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Regional Director Meylene Rosales, Vice Chairperson ng RDC, 13.5 million pesos ang halaga ng mga proyektong inaprubahan ng konseho sa kanilang pulong noong Sept. 19.

Ang mga proyekto ay matatagpuan sa mga bayan ng Basey at Hinabangan sa Samar; San Julian, Sulat, at Jipapad sa Eastern Samar;  Biliran Province; at Hinundayan sa Southern Leyte.

Idinagdag ni Rosales na ang mga proyekto ay nakatakdang ipatupad sa sandaling malagdaan ang Memoranda of Agreement sa pagitan ng local governments at power generation companies.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).