22 November 2024
Calbayog City
Metro

Pari na nasangkot sa pisikalan sa Tondo, Maynila sinuspinde; pinagbawalang mag-misa

pari

Sinuspinde ng Roman Catholic Archbishop  of Manila  ang Parochial Administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalangin,  Tondo at  pinagbawalan din itong mangasiwa ng mga sakramento.

Sa statement, sinabi ng Archbishop of Manila na inalis sa pwesto si Father Alfonso Valeza at pinagbawalang gampanan ang mga tungkulin bilang pari dahil sa paulit-ulit nitong pagsuway sa Arsobispo, sa kabila ng mga kautusan at babala.

Hindi na idinetalye ang dahilan ng  suspensyon sa pari, bagaman una nang napaulat na nasangkot ito sa away kay Novaliches Bishop Antonio Tobias sa loob ng isang parokya sa Tondo.

Itinalaga naman sina Monsignor Reginald Malicdem, Father  Nolan Que, at Father Gilbert Kabigting bilang Parochial Administrators.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *