NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kanilang listahan ng Suggested Retail Price (SRP) para sa noche buena items.
Kabilang sa mga produktong nasa noche buena price guide ng DTI ay ham, fruit cocktail, keso de bola, mayonnaise, all purpose cream, sandwich spread, spaghetti, pasta, elbow macaroni, tomato sauce, salad macaroni, at spaghetti sauce.
Naobserbahan na simula noong Oktubre ay nagtaasan na ang presyo ng ilang mga panghanda sa nalalapit na kapaskuhan.
Noong nakaraang linggo ay na-monitor, na ilang brands ng ham ang tumaas na ng lima hanggang anim na piso ang kada pakete habang ang presyo ng ilang brands ng elbow macaroni ay nadagdagan ng hanggang 7 pesos and 25 centavos.