15 March 2025
Calbayog City
National

68k PDLs, nagparehistro para makaboto sa 2025 Elections

 MAHIGIT sa animnapu’t walunlibong Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nagparehistro para makaboto sa 2025 National and Local Elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Aimee Ferolino, 68,448 PDLs ang boboto sa eleksyon sa susunod na taon, kabilang ang 993 na e-eskortan sa labas ng piitan para makaboto sa kani-kanilang presinto.

Inamin ni Ferolino na mas mainam na kakaunti ang e-eskortan palabas dahil medyo mahirap aniya ang pagbiyahe ng inmates.

Sa bahagi naman ni Comelec Chairman George Garcia, tinukoy nito ang ruling ng supreme court na pinapayagang bumoto ang pdls hangga’t hindi pa ibinababa ang pinal na hatol sa nagawa nilang krimen.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).